view my profile

return to BREATHE 2004 forward to BREATHE 2006 alfredo: anders: beej: ces
drei: egai: han: ian: jaja
jc: josh: js: ket: lao
leslie: milky: pepito
ponpon: rina: rowell: suzie
tiara: vingaye: ynseng


YOU Expressions


Powered by TagBoard Message Board
identification

webbie

notes(smilies)



The Christian Counter
The Christian Counter




Shower

30 May 2005

ang naka-ambang pagkapawi ng uhaw ng lupa'y
nagdadala ng pangungulila sa kamusmusan
ang pagsabak sa tubig na pukol ng langit noon
ay di ko alintanang ito'y malupig ako
mistulang nagapi sa hitsurang tila basang sisiw
datapwat sa kaloob-looban, ako ay tunay na wagi.

sa panandaliang pagtila nito'y
kaakibat ko ang pag-asa--
pag-asang dala ng samyo ng mundong bagong dilig.

Tara! Maligo tayo sa ulan.

exhaled by milbenski at 3:34 PM | 0 comments

Tag-ulan sa Tag-araw

21 May 2005

Nagsimula ang aking araw na pangkaraniwan-- taklob ng mga ulap ang langit bagamat dama ko pa rin ang init na kumakapit sa aking balat, hinihigop ang pawis sa aking katawan.

Tahimik ang lahat. Walang mga huni ng ibon. Ni ang mga batang kadalasa'y maiingay na naglalaro'y tila naging mga pilay at pipi.

Nakabibinging katahimikan.

Katahimikang unti-unting binabasag ng papalakas na kabog ng aking dibdib. Wari'y may unos na paparating.

Bumuhos nga. Sinakluban ng langit ang lupa. Sa sobrang lakas nito'y di ko maaninag ang kapaligiran-- ang hibik at paghihimagsik ng langit na tanging ako lang ang nakasaksi, saksi sa nagbabadyang pagbabago ng panahon.

Ang mala-sponghang puso ko'y patuloy na sinisipsip ang tubig-ulan na singpait ng mga kabiguan sa buhay.

Tumitila na ang ulan subalit tuyo ang paligid maliban sa aking mga pisnging naging irigasyon ng mga luha.

Sa panahon ng tag-araw, puso ko'y tag-ulan. Sabay sa tempo ng panaka-nakang pag-ambon ay ang nakakubli kong mga ngiti habang nagtatampisaw sa tubig-ulan.

exhaled by milbenski at 12:39 PM | 0 comments

Offering my 'Isaac'

03 May 2005

He gives...

Epochs have I waited for the soul who lifts me up,
the soul who can dissolve all thorns stabbed into my heart,
the soul who can bring light to a dark and gloomy day,
the soul who encourages me to wake up and cease not to pray,
the soul who teaches me that love is real-
it transcends all boundaries, indeed!
Pure joy and zeal for life this soul brings.
It is love; nothing lovelier than it is!
... and takes away.

exhaled by milbenski at 9:41 PM | 0 comments

 

 

 

                                                                                                   

                                                                                                       

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com