something so natural for us to do but so often we forget doing... breathe... when life seems to overpower you... just breathe...
Powered by TagBoard Message Board |
Nagsimula ang aking araw na pangkaraniwan-- taklob ng mga ulap ang langit bagamat dama ko pa rin ang init na kumakapit sa aking balat, hinihigop ang pawis sa aking katawan.
Tahimik ang lahat. Walang mga huni ng ibon. Ni ang mga batang kadalasa'y maiingay na naglalaro'y tila naging mga pilay at pipi.
Nakabibinging katahimikan.
Katahimikang unti-unting binabasag ng papalakas na kabog ng aking dibdib. Wari'y may unos na paparating.
Bumuhos nga. Sinakluban ng langit ang lupa. Sa sobrang lakas nito'y di ko maaninag ang kapaligiran-- ang hibik at paghihimagsik ng langit na tanging ako lang ang nakasaksi, saksi sa nagbabadyang pagbabago ng panahon.
Ang mala-sponghang puso ko'y patuloy na sinisipsip ang tubig-ulan na singpait ng mga kabiguan sa buhay.
Tumitila na ang ulan subalit tuyo ang paligid maliban sa aking mga pisnging naging irigasyon ng mga luha.
Sa panahon ng tag-araw, puso ko'y tag-ulan. Sabay sa tempo ng panaka-nakang pag-ambon ay ang nakakubli kong mga ngiti habang nagtatampisaw sa tubig-ulan.
0 burp(s):
Post a Comment
<< Home