something so natural for us to do but so often we forget doing... breathe... when life seems to overpower you... just breathe...
Powered by TagBoard Message Board |
LAPIDA
Ang lupang nilagpakan ba'y
sagana sa patabang aayuda
sa aking pagsibol o
isa itong kumunoy na unti-unting magbabaon
sa lalim ng anim na talampakang alabok?
MADUMING JEREMIAD
At dahil sa walang habas mong
ingudngod sa aking pagmumukha
na ang paligid ko'y nabubulok,
ako ay naniwala't naghapis.
Di mo batid na matagal ko nang napagtanto
na ang kalagayan ko ay tae.
Pinilit kong pabanguhin
subalit pagbali-baligtarin man
tae pa rin--
perwisyo sa tatanga-tanga,
biyaya naman sa tigang na lupa.
0 burp(s):
Post a Comment
<< Home