view my profile

alfredo: anders: beej: ces
drei: egai: han: ian: jaja
jc: josh: js: ket: lao
leslie: milky: pepito
ponpon: rina: rowell: suzie
tiara: vingaye: ynseng


YOU Expressions


Powered by TagBoard Message Board
identification

webbie

notes(smilies)



The Christian Counter
The Christian Counter




UNAN

21 January 2005

Something I wrote in September. It does not showcase what I presently feel. I just feel like sharing the story. Enjoy!


ARAY! ARAY! Sikip naman ng yakap mo!
Hindi ako makahinga! Hayan... mabuti't
niluwagan mo nang kaunti... O, bakit???
Naku! Basa na naman ako... Tahan na... Lagi
ka na lang ganito tuwing naiiwan kang mag-
isa.

Kagabi sa sinehan, tinopak ka raw... Hindi mo
nakayanan ang tawanan at halakahakan ng
mga kaibigan mo... Nairita ka dahil masaya
sila... Samantalang ikaw ay uwing-uwi na...
Tama ba?
Gusto mo na akong yakapin nang mahigpit...
At basain ng iyong mga luha.

Sabi mo pa nga, pagod ka nang umarte... Hirap
ka nang palabasin na okay lang ang lahat...
Ang katotohanan, ganito ka... Parang basang-
sisiw... Pero sa kanila, isa kang agila...
Matayog ang lipad... Walang
makapagpapabagsak. Bilib sila sa iyo. Ikaw
lang ang hindi.

Hoy! Ano yang iniisip mo?!!! Tanga ka ba?!!!
Pag ginawa mo yan, ikaw ang talo!!!

Kinabahan ako dun ha... Sige na nga... Iiyak
mo lang yan. Okay lang umiyak...
Ako ba kausap mo? Ha? Ano?...
Nagdarasal ka pala... Tama yan!

May tao ata!!! Punasan mo na ang mga mata
mo... Tapos na ang panandaliang pahinga...
Simula na naman ang palabas.

Paalam... Hanggang sa muli mong pag-
iisa... Nandito lang ako... Handang
magpayakap... Handang maging pamunas ng mga
luha mo.

lab,
unan

p.s. palitan mo na sana ang punda ko

exhaled by milbenski at 2:31 PM | 0 comments

0 burp(s):

Post a Comment

<< Home

 

 

 

                                                                                                   

                                                                                                       

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com